Unang magtutuos ang Utah Jazz at Denver Nuggets sa unang round ng NBA Western Conference Playoffs.
Kaugnay dito, nag-iisip ng paraan si Fil-Am Jordan Clarkson kung papaano matatalo ang Nuggets. Aniya, kailangan niyang kumayod ng husto kagaya ng ginawa niya sa restart.
May average si Clarkson na 24.0 points sa regular season kontra Nuggets. Sa panig naman ng Denver, may psychological advantage sila kontra Jazz.
Dalawang beses na ring pumalaot sa playoffs si Clarkson. Una ay sa Cleveland Cavaliers noong 2018. Nagtala siya ng 37 puntos sa laro kontra Denver. Ngunit, talo sila sa iskor na 106-100 sa NBA bubble.
Katunayan, tatlong beses nilang dinaig ang Utah sa three-game series sa regular season.
“It’s a good matchup. It’s the playoffs, everybody tunes up and really locks in,” ani Clarkson sa NBA.com.
“Every possession means something, so it’s going to be a good match-up for us. We’re going to go out there and compete and play hard, try to win this series. Take it one game at a time,” ani ng 28-anyos na si Clarkson.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!