ITATAMPOK ang Clark Freeport sa isang live virtual tour session sa Mayo 24, 2021, bilang bahagi ng pre-summit day activities ng Urban Land Institute (ULI) Asia Pacific Summit.
Masusulyapan ng mga miyembro ng ULI sa virtual tour ang iba’t ibang investment at tourism facilities ng Freeport na ito. Isasama din ang presentation tungkol sa master plans ng Clark International Airport, New Clark City at Clark Freeport Zone.
Sa naturang aktibidad, ay magkakaroon ng 25 minuto ng question-and-answer session. Tampok sa online Q & A ang mga panelist na kinabibilangan nina CDC President at CEO Manuel R. Gaerlan, LIPAD President at CEO Bi Yong Chungunco at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) representative Karen Tham.
Sa isang pahayag, sinabi ng CDC na isa itong oportunidad para mai-highlight ang kagandahan at potensiyal ng Freeport na ito sa international scale. Ang pagkakasama ng state-owned firm sa summit ay magiging kapaki-pakinabang sa positioning ng Freeport bilang premier business, aviation at tourism hub sa bansa. Magsisilbi rin ito para hikayatin ang ULI members upang ikonsidera ang Clark bilang susunod na lokasyon para sa kanilang future ventures at mga adbokasiya.
Opisyal na magsisimula ang general session at virtual roundtables para sa ULI Summit sa Mayo 25, 2021 at matatapos sa Mayo 27. Ang conference ngayon taon ay gagamit ng hybrid approach, na may in-person event sa Tokyo, Japan at isang virtual version na maa-access sa papamgitan ng isang dedicate online platform.
Itinatag noong 1936, ang ULI ay isang international membership-based nonprofit research at education organization na mayroong 45,000 na mga miyembro at 2,500 dito ay mula sa Asia Pacific Region.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON