CLARK FREEPORT— Itinanghal ang Freeport na ito bilang pinakamalaking contributor sa tourist arrivals sa Pampanga para sa taong 2021. Ibinatay ng Department of Tourism (DOT) ang citation sa ginanap na 2021 Philippine Tourism Satellite Accounts (PTSA) and Tourism Statistics Online Dissemination Forum.
Ayon sa Office of Tourism Development Planning, Research and Information Management (OTDPRIM), nakapagtala ang Clark ng 640,353 tourist arrivals sa Pampanga para sa 2021, na kumakatawan sa 77.22 percent ng naitalang total arrivals.
Sa buong rehiyon, ito ay sumasailalim sa total contribution na 33.7-percent sa Central Luzon, dahilan para ito’y maging top overnight destination para sa local tourist noong nakaraang taon.
Iniugnay ni Clark Development Corporation (CDC) Tourism Promotions Division Manager Noemi Julian na ang pagluwag sa health and safety restrictions sa local travels, ang malawakang pagpapabakuna ng COVID-19 vaccines at booster shots ng publiko, pagtaas ng bilang ng physical attendance sa mga hotel at restaurant at ang pagbabalik ng organisadong sporting events sa loob nitong Freeport ang dahilan kung kaya dumami ang local tourist sa naturang lugar.
“People are now more confident in travelling to other places, including family outings, reunions, attending face-to-face workshops and seminars, participating in organized sports events and other outdoor activities,” saad ni Julian.
“In Clark, we offer more than just the usual tourism destinations and activities. We have a number of 5-star hotel accommodations for family staycations, numerous restaurants and coffee shops offering local and international cuisines, different leisure and professional sports venues and facilities for the athletes and sports buffs, water-themed parks, resorts, and a zoo for kids. We also have wide, open and green spaces just to relax and breath-in fresh air,” dagdag pa niya.
Samantala, nakapagtala ang Clark International Airport ng 9,964 visitors, katumbas ng 6.08-percent na malaki rin ang naiambag sa tourist arrivals sa probinsiya.
Malaki ang naitulong nito sa pagtaas ng domestic tourism na may kabuuang 37,279,282 trips noong 2021 kung ihahambing sa 26,982,233 trips noong 2020.
Sa Central Luzon, nangunguna ang Subic Bay Freeport Zone sa Zambales na sinundan ng Clark Freeport Zone (CFZ) sa ikalawang puwesto para sa Regional Distribution of Overnight Travelers.
Bukod sa dalawang Freeport Zones, ang iba pang lalawigan na nasa listahan ng highest contributors at top destination ay kinabibilangan ng Bulacan, Zambales, Bataan, Nueva Ecija at Aurora. Sa datos nitong Hunyo 3,2022 ay nagpapahiwatig din na ang Pampanga, kabilang ang mga lungsod ng Angeles at San Fernando, ay nasa ikaapat na puwesto sa ranking per province na inilabas ng OTDPRIM.
Ito’y nagpapatunay na ang tourism sa bansa ay muling nakakabangon sa malupit na epekto dulot ng pandemic, kung saan ang mga Filipino ay maari nang maglakbay na may minimum restriction at bistahin ang iba pang tourism destination sa Pilipinas.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna