CLARK FREEPORT – Sa nagdaang dalawang buwan, na tupad na ng Japanese firm sa loob ng nasabing Freeport ang kanilang pangako na makagawa ng 10 milyon piraso ng face mask matapos marelaks ang quarantine restriction at pinayagan na ang ilang manggagawa na makabalik sa trabaho.
Naabot na ng Yokoisada (Phils.) Corporation ang kanilang maximum capacity para sa month ng May at June, bagama’t kailangan pa rin ng nasabing firm ng mahigit sa 80 factory worker upang makompleto na ang kanilang 300 workers, para sa mga plano nitong palawakin ang operasyon sa loob nitong Freeport.
Sa isang panayaman kamakailan lang kay Yokoisada President Yuki Yokoi, na nagdesisyon sila na palawigin ang Clark operations bilang matatag na suporta mula sa Department of Trade and Industry, Board of Investment, CDC, at ng Philippine Consulate General sa Osaka sa gitna ng coronavirus pandemic.
Ayon kay Yokoi, ang naturang mga facemask ay ipamamahagi sa iba’t ibang hospital sa Pilipinas at iba pang pharmaceutical firms.
Gumamit ang nautrang kampanya ng non-woven fabric at ear-looped raw materials para sa paggawa ng nasabing face mask.
Sa kasalukuyan, ang firm ay may higit 170 manggagawa, na may 250 hanggang 300 pang manggagawa ang inaasahan sandaling mapalawak ang operasyon sa Clark, ayon kay Accounting Manager Ella Pusin.
“But for the meantime, we are still in need of 80 workers,” ayon kay Pusin, upang mapanatili ang high quality ng face mask na ginagawa ng kumpanya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA