CLARK FREEPORT ZONE, PAMPANGA – Arestado ng Port of Clark, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang claimant ng kargamento na naglalaman ng 2,378 gramo ng kush marijuana na nagkakahalaga ng P3,923,700 sa Sta. Cruz, Manila nitong Abril 13.
Nadiskubre ng BOC ang illegal na droga sa physical examination noong Abril 12 sa isang kargamento na nanggaling sa California, USA, na idineklarang naglalaman ng “Tevana Green Herbal Tea.”
Sumailalim sa K9 sniffing at X-ray scanning procedures ang nasabing kargamento at agad sumalang sa physical examination, kung saan nauwi sa pagkakadiskubre sa limang tin cans na naglalaman ng pinatuyong dahon ng hinihinalang kush marijuana.
Kumuha ang mga representatives ng mga sample at dinala sa PDEA para sa chemical laboratory, kung saan nakumpirma ang presensya ng Tetrahydrocannabinol/Marijuana, isang ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Noong Abril 13, nagsagawa ang pinagsanib na puwersa ng Port of Clark at PDEA ng controlled delivery operation sa address ng consignee sa Sta. Cruz, Manila, na nauwi sa pagkakaaresto ng 27-anyos na lalaki na claimant.
Nag-isyu si District Collector John Simon ng Warrant of Seizure and Detention laban sa subject na kargamento dahil sa paglabag sa Section 118 (g), 119 (d), and 1113 par. f, I, at l (3 and 4) of R.A. No. 10863 o the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. No. 9165.
Nagsampa ng kasong kriminal laban sa nahuling claimant dahil sa paglabag sa R.A. 9165.
“Our anti-drug smuggling effort once again resulted in success. We recognize the vigilance of our personnel and the support of PDEA in our drug apprehensions,” ani Collector Simon sa isang pahayag. “The Port of Clark will continue to further reinforce and maximize our capabilities to prevent the entry of illegal drugs into the country,” dagdag pa nito.
“The BOC ensures that illegal drugs do not enter our borders through our intensified anti-illegal drug measures. Our unprecedented performance in border protection and revenue collection proves that BOC personnel are committed to the directives of President Ferdinand Marcos Jr.,” saad ni Commissioner Bienvenido Rubio.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW