Nanguna si San Miguel Beermen star CJ Perez sa karera para sa pagiging Best Player of the Conference sa PBA Commissioner’s Cup.
Nahigitan niya sina Christian Standhardinger (Barangay Ginebra), Arvin Tolentino (NorthPort), at Calvin Oftana (TNT) para makuha ang kanyang unang BPC award.
Sa Best Import naman ay numero uno si Phoenix Fuel Master Johnathan Williams III na may 27 points, 15.64 rebounds, 4.45 assists at 1.36 blocks sa bawat laro sa pagtatapos ng elimination round. Tinalo ang Fuel Masters ng Magnolia sa semifinals.
Naungusan niya sina finalists Tyler Bey (Magnolia), Bennie Boatwright (San Miguel), at Tony Bishop (Barangay Ginebra).
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA