MAY papel ang bawat Filipino sa pagsugpo sa ‘vote buying’ sa panahon ng kampanya sa pamamagitan ng ‘citizen’s arrests’ para mahuli ang nagbebenta o bumibili ng boto.
Ito ay ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na posibleng mangyari sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (SBKE).
Ipinaliwanag pa nito na pinapayagan ng Konstitusyon ang ordinaryong mamamayan at law enforcement na arestuhin ang mga offender na mahuhuli sa akto kahit walang warrant.
Bilang paghahanda na rin sa nalalapit na BSKE lumagda si Garcia sa memorandum of agreement sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG), ukol sa kanilang pagtutulungan para mapanatili na malanis ang darating na eleksyon sa Oktubre 30.
Bagama’t hindi hinihikayat ng Comelec ang pag-aresto sa isang mamamayan dahil sa matinding tunggalian sa panahon ng BSKE, sinabi ni Garcia na opsyon ito at isasama sa mga tuntunin para sa anti-vote buying campaign na ilulunsad ng Comelec ngayong Agosto.
Sa panig naman ng pulisya, sinabi ni PNP Chief Major General Benjamin Acorda Jr., na magiging malaking tulong ng citizen arrest dahil sa limitadong puwersa ng pulisya sa mga partikular na lugar.
More Stories
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag
NAVOTAS, NAGSIMULA NANG MAMAHAGI NG TAUNANG NAVOSPASKO HAM