Magandang araw mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.
Naaalarma ang publiko sa muli namang pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon sa datus, may average na 5,000 cases ang naitatala ngayong linggo. Kahapon, umabot sa lagpas 7,000 ang kaso.
Ika nga ng ilan, parang ni-replay lang ang senaryo noong nakaraaang taon. Kung kelan may dumating nang bakuna, saka na naman sumipa ang kaso.
Nag-iingat naman ang publiko at sinusunod ang safety health protocols. Pero, may ilan din talagang pasaway.
Kung lalala pa, isa sa solusyong nakikita ng gobyerno ay ang tinatawag na ” Circuit Breaker’. Ang pamamaraang ito ay ginawa ng bansang Singapore. Kung saan, nasa bahay lang lahat ang mga tao.
Sa ganitong taktika, nababawasan ang risk of transmission ng virus at hawaaan. Wala kasing kakapitan ang virus. Kaya, mamamatay ito after 14 days.
Ang problema lang mga Cabalen, papaano na ang buhay ni Juan? Maliwanag na lockdown scenario na naman ang kalalabasan nito.Papaano ang kabuhayan natin?
Ipu-provide kaya ng gobyerno o LGU’s ang pangangailangan ng taumbayan?
Kung oo, mainam. Pero, tiyak na mahihirapan ang mga tao dahil hindi sapat ang ayuda para sa iba pang mga pangangailangan.
Mabuti sana kung alang mangyayaring hokus-focus, di po ba? Kayo mga Cabalen, payag ba kayong ipatupad sakali ang Circuit Breaker o tutol kayo?
Gaano ba ka-disiplinado ang mga Pilipino kung sakaling ipatupad ito?
Kaya ba natin gawin ang ginawa ng Singapore? Aplikable kaya rito sa atin ang nasabing istratehiya?
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!