February 23, 2025

CIIS-MICIP NASABAT P370-M LUCURY CARS SA SA MAKATI

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service nito sa Manila International Container Port (CIIS-MICP) ang nasa P366 milyon halaga ng mga smuggled na high-end na luxury cars sa isang bidega sa Makati City, na kabilang umano sa mga naunang nakumpiska noong Biyernes, Pebrero 14, 2025 sa Pasay at Parañaque City.

Dahil dito, pinuri ni BOC Commissioner Bien Rubio si CIIS Director Verne Enciso sa mga kamakailang operasyon nito, na nagresulta sa pagkakasamsam ng P1.4 bilyong halaga ng mga smuggled luxury vehicle sa Pasay City at Parañaque City noong Pebrero 13, na sinundan ng P366 milyong halaga ng mga sasakyan, kabilang ang mga tatak tulad ng Ferrari, Porsche, at McLaren sa warehouse sa Makati City nitong Pebrero 14.

“The ability of our CIIS officers to conduct these back-to-back operations demonstrates not only their commitment to their mandate but also a new strategy for tackling smuggling. Those involved should understand that our skills and capabilities extend beyond our borders. We will pursue them relentlessly, regardless of how or where they hide their contraband,” ani Rubio.

Kinilala ng BOC ang nagbebenta bilang ACH High-End Motor Service Center, na matatagpuan sa No. 489 J.P. Rizal St., Makati City.

Nabatid sa BOC na ang CIIS MICP team na pinamumunuan ni Chief Alvin Enciso, kasama ang Philippine Coast Guard’s Task Force Aduana, ay bumisita sa lokasyon upang maghatid ng Letter of Authority (LOA) sa may-ari o kinatawan ng tindahan. Ito ay kinakailangan upang mapatunayan ang pagiging lehitimo ng pag-aangkat ng mga sasakyan at matiyak na ang mga tamang tungkulin at buwis ay nabayaran.

“I can confirm that our intelligence agents conducted an operation after receiving information regarding this showroom in Makati. We discovered several high-end luxury cars and are currently verifying the importation documents for these vehicles,” ayon sa Director ng CIIS.

Ayon kay MICP CIIS Chief Alvin Enciso, ang inisyal na imbentaryo ay nagsiwalat ng iba’t ibang mamahaling kotse at sasakyan, kabilang ang isang Ferrari 488 Spider, Ferrari 812 Superfast, Porsche Targa, Mercedes-Benz G63 AMG, BMW M4, Lexus LC500, Porsche Cayenne, Bentley Bentayga, Land Rover Defender, Audi RS Q8, McLaren 720S, Li Xiang Ford Explorer, Li Xi Abarth L720S, SUV LX5, SUV Competizione, MV Agusta Brutale 1000RR na motorsiklo, at dalawang luxury van – Toyota Alphard.

Pinangunahan nina MICP CIIS Chief Enciso ang paglalagay ng pansamantalang padlock at selyo sa showroom at storage facility bilang isang maayos na imbentaryo na isasagawa ng mga nakatalagang Customs examiners sa presensya ng CIIS, Enforcement and Security Service (ESS), barangay officials, at storage representatives.

Nabatid kay Chief Alvin Enciso, ang mga may-ari, lessee, lessor, okupante, kinatawan, o sinumang partido na responsable para sa bodega at mga sasakyan na natagpuan sa nasabing lugar ay may 15 araw mula sa pagtanggap ng mga LOA upang isumite ang mga kinakailangang dokumento na nagpapatunay na ang lahat ng mga tungkulin at buwis ay nabayaran nang tama.

Kung mabibigo silang magbigay ng balido na dokumentasyon, mahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Sections 1400 at 1401, kaugnay sa Section 1113 ng Republic Act 10863, na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).