January 24, 2025

CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?

Ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay isa sa mga pangunahing ahensiya ng pulisya na pinagkakatiwalaan sa paglaban sa mga kriminal at sindikato.

Kaya malaking kasiraan sa grupo ang nakalap nating report na namamayagpag din sila sa pangongolekta ng tong, na tulad ng ilang miyembro ng Philippine National Police na nabalitaang nalugmok sa putik ng katiwalian.

E ang bulong nga sa atin ng mga susukot-sukot na hindi man lang umiinit ang mga puwet, meron raw umiikot na bagman si PBGen Nicolas Torre III, Director ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

‘Yan daw ang nagpakilalang si alyas Adlawan na siyang mangongolektong sa pangkalahatan para sa CIDG.

Yabang ni Adlawan, s’ya ang nanalo sa bidding ng payola sa buong PNP Calabarzon.

Habang ang pangalan naman ni CIDG-Regional Field Unit Chief Col. Emerick Sibalo ang kinakaladkad ng isang alyas Jack Gardencio.

Kolektor nina Adlawan at Jack ang anak nitong si Randy sa lalawigan ng Rizal habang si Onyok sa Laguna.

Kolektor naman ni Adlawan sa mga suga lupa, STL-con JUETENG, BOOKIES at salot na SAKLA sa Càvite si alyas Francisco Mahirap.

Si alyas Marcial naman ang  nagpapakilalang kolektor ng CIDG Padilla.


Sa kabuuan, gamit nina alyas Adlawan, Jack Gardencio, Rady, Onyok, Marcial at Francisco Mahirap ang kawawang tanggapan ng butihing CIDG-director BGen. Torre lll.

Imbes na tuwid na daan ‘e dating daan pa rin ba talaga ang CIDG?

PNP Chief  Gen. Rommel Francisco Marbil, wala na ba talagang paraan para malinis ang kailegalan sa PNP?

Walis-walis din ng mga police scalawag kapag may time ka GEN. MARBIL!

***

Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text o tumawag lamang sa numerong CP#09999861197 o mag-email sa [email protected]