December 23, 2024

Church group, naghain ng ika-30 petisyon vs Anti-Terrorism Act

Naghain ng ng petisyon sa Korte Suprema ang grupo ng Religious of the Roman Catholic Church partikular na ang Association of Major Religious superiors sa Pilipinas (AMRSP) upang tutulan ang Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA) O Republic Act 11479. (JHUNE MABANAG)

Dahil sa takot na mabansagang terorista ang miyembro sa kanilang evangelical at missionary work, partikular sa mga mahihirap na lugar, naghain ng petisyon ang church organization sa Supreme Court (SC) ngayong Miyerkules laban sa Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020.

Gamit ang kanilang right to freedom of religious expression, inihain ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines sa Korte Suprema ang petisyon para ideklarang unconstitutional ang ilang bahagi ng ATA.

Ikinatwiran ng grupo sa kanilang petisyon na kumokontra ang batas sa social doctrine ng Simbahang Katolika.

Tinukoy sa petisyon ang mga turo ng turo ng Catholic church  na irespeto ang dignidad ng isang tao bilang imahe ng panginoon, karapatan para sa patas na proteksyon, paggalang sa due process at karapatan ng bawat isa sa batas.

Dati na ring lumaban sa martial law ang AMRSP at nagpapatuloy sa pagpapalaganap ng social justice sa kasalukuyan.