OPISYAL nang binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pagsisimula ng Christmas season sa pamamagitan ng pagpapailaw ng higanteng Christmas tree at fireworks display sa Navotas Citywalk at Amphitheatre.
Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang kanyang mga anak, at Congressman Toby Tiangco ang lighting ceremony gayundin ang ribbon-cutting ng Navotas Christmas Bazaar.
Tampok sa bazaar ang 36 na negosyanteng Navoteño at magbubukas simula Nobyembre 21 – Disyembre 22, 5 p.m hanggang 12 m.n.
Hinikayat ni Mayor Tiangco ang kanyang kapwa Navoteños na suportahan at i-patronize ang mga lokal na negosyo upang makatulong na mapalakas ang ekonomiya ng lungsod.
Samantala, pinangunahan rin ni Mayor John Rey ang pagbubukas ng Public Employment Service Office (PESO) Helpdesk at NavoProdukto Corner sa Navotas City Hall Lobby.
Ang PESO Helpdesk ay nagbibigay ng impormasyon sa mga Navoteño na naghahanap ng trabaho at mga aspiring entrepreneur sa mga serbisyong inaalok nito at sa mga programa ng NavotaAs Hanapbuhay Center tulad ng Tulong Trabaho, Tulong Puhunan, at iba pa.
Tampok naman sa NavoProdukto Corner ang mga produktong gawa at ginawa sa Navotas tulad ng fish paste o bagoong, fish sauce o patis, dried anchovy chips, dried squid, at canned seafood. (JUVY LUCERO)
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR