Masasabing suwerte ang newly sexy star na si Christine Bermas na bagong crush ng mga boys. Sa kabila ng tinamong tagumpay, hindi siya nahihiya sa kanyang pinagmulan. Kaya, masasabing modelo si Christine sa kababaang loob. Kaya, sinuwerte na bumida sa Vivamax original movie na ‘Siklo’. Na ipalalabas na ngayong January 7.
Proud si Christine na bago naging artista ng VIVA ay naging kasambahay muna siya. Bukod pa sa pagpasok sa iba’t-ibang raket o trabaho.
” Totoo pong nagtrabaho ako bilang ksambahay sa amin sa Palawan. Para po makatulong sa family ko,” kwento ng cute na bebot.
Iyon daw ang naging paraan niya para makaraos.
Aniya, mga nasa edad 14-15 -anyos siya noon nang pumasok bilang kasambahay. Hindi siya natakot kahit bata pa siya nun, basta makaraos lang sila. Bukod dito, nagtinda rin siya sa kalsada ng mga kakanin. Pati na rin ng banana que at kung anong pwedeng ibenta.
Pero, natatak sa murang isipan niya na guto niyang mag-artista. Ito ang is sa ultimate dream nya. Kaya, kinarir niya ang pagtahak ng daan upang maabot ito.
“Before, nu’ng sa Palawan pa lang ako, dini-dream ko pa lang siya, eh. And then, lahat ng puwede kong salihan, lahat ng puwede kong gawing way para makamit ko yung dream ko na yon ginagawa ko,” aniya.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA