Naging bayani si star guard Chris Paul sa pagpapasabog ng Oklahoma City Thunder sa Houston Rockets, 104-100, sa Game 6 ng Western Conference playoffs.
Sa huling minuto ng 4rth quarter, bumuslo ng back-to-back 3-pointers si Paul. Dahilan upang irekta ang 3-3 series kontra Rockets.
Naibuslo rin nito ang free throws upang ibigay sa Thunder ang kalamangan. Kaya naman, napuwersa ang do-or-die Game 7 sa Miyerkules ( Huwebes PH time).
“This is who we are,” ani Paul .
“We’re built for stuff like this. A lot of guys on our team have been pushed out, traded or whatnot, but we just stick together and we keep fighting.”
Umiskor si Paul ng 28 points, 7 boards at 3 steals. Nag-ambag naman si Danilo gallinari ng 25 points, 5 boards at 1 assists.
Samantala, naglista naman si James Harden ng 32 points, 8 boards at 7 assists. Nag-ambag naman si Robert Covington ng 18 points, 5 boards at 5 steals.
Narito ang stats sa Thunder-Rockets sa Game 6:
HOU:James Harden: 32 Pts. 8 Rebs. 7 Asts. Robert Covington: 18 Pts. 5 Rebs. 5 Stls. 3 Blks. Russell Westbrook: 17 Pts. 4 Rebs. 3 Asts. 1 Stls. Danuel House Jr.: 12 Pts. 2 Rebs. 1 Asts. 3 Stls.
OKC:Chris Paul: 26 Pts. 7 Rebs. 3 Asts. 3 Stls. Danilo Gallinari: 25 Pts. 5 Rebs. 1 Asts. 2 Stls. Luguentz Dort: 13 Pts. 3 Rebs. 1 Asts. 1 Stls.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo