
Narito ang resulta ng laro sa NBA ngayong araw, January 31, 2022 Bumida si Chris Paul sa pagtusta ng Phoenix Suns sa San Antonio Spurs, 115-110. Kumana si Paul ng 20 points, 19 assists at 8 boards.
Nag-ambag naman si Devin Booker ng 28 points at 3 rebounds.
Nagtala si Karl Anthony Towns ng triple-double sa pagluray ng Minnesota Timberwolves sa Utah Jazz, 126-106. Bumira ito ng 31 points, 11 boards at 10 assists.
Naglista naman si Mike Conley ng 22 points, 5 assists at 4 boards sa Jazz. Ang pagkabigo sa Timberwolves ay panlimang sunod na talo na ng Utah.
Ginulat naman ng Mahika ng Orlando Magic ang Dallas Mavericks, 110-108. Dinagit naman ng Atlanta Hawks ang Los Angeles Lakers, 129-121.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo