Nangako ang Commission on Human Rights (CHR) na iimbestigahan din ng kanilang hanay ang sinasabing pagkamatay sa COVID-19 ng ilang inmates, partikular na ang mga high-profile convicts, sa New Bilibid Prison.
Sa isang panayam sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na noong Marso pa lang ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad para malaman ang sitwasyon sa mga kulungan.
Hinimok naman ng opisyal ang nangangasiwa sa jail facilities na makipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) dahil posibleng palalain pa ng congestion o siksikan sa mga pasilidad ang pagkalat ng sakit.
Binigyang diin ni De Guia na pati ang mga nakakulong ay may karapatan din sa proteksyon.
Kaya naman patuloy pa rin daw ang panawagan ng CHR sa Supreme Court para palayain na ang mga matatanda at mababa ang sintensya sa kaso.
Ayon kay Bureau of Corrections spokesperson Gabriel Chaclag, 343 na ang total ng COVID-19 cases sa kanilang mga hawak na pasilidad. 311 na raw ang gumaling, at 19 ang namatay.
Sinasabing kabilang sa mga namatay ang ilang high-profile drug personalities. Pero hindi pa ito kinukumpirma ng BuCor.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY