January 23, 2025

CHOPPER BUMULUSOK, 4 TIGOK

Patay ang apat na tauhan ng Philippine Air Force (PAF) matapos bumagsak ang military helicopter na sinasakyan nito sa lalawigan ng Basilan.

Kabilang sa nasawi ang dalawang piloto at 2 crew members na nakatalaga sa 505th Search and Rescue Group ng PAF, ayon kay Air Force spokesperson Lt. Col. Aristides Galang Jr.

Galing ng Zamboanga City ang Sikorsky helicopter dakong alas-12:30 ng hapon patungong sa Jolo, Sulu para sa isang medical evacuation mission nang bumagsak ito sa Barangay Upper Manggas sa bayan ng Lantawan ilang oras lang ang lumipas.

Batay sa report, masama umano ang panahon sa lugar nang mangyari ang insidente, ayon kay Lantawan municipal administrator Tahira Isamel.

Sa hiwalay na panayam, dadahilhin ihahatid sana sa Zamboanga City ang ilang biktima na nasugatan sa kambal na pagsabog sa Jolo Sulu noong Agosto 24.

Ayon kay Galang, patuloy nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang dahilan ng pagpagbasak ng helicopter.

Samantala, sinabi rin niya na grounded ang lahat ng Sikorsky helicopter ng Air Force habang nagsasagawa ng imbestigasyon.