TULAD ng pagbabawal sa video o pagkanta sa pampublikong lugar, hindi rin nakalusot ang mga choir sa simbahan sa pinapatupad na singing ban upang maiwasan kumalat ang COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, sakop ng pina-iiral na protocol ang pagkanta ng mga choir ng simbahan at iba pang dalanginan.
“Kapag nagbigay tayo ng ganitong protocol, hindi ito nililimitahan sa karaoke kasi marami pang pagkakataon na tayo ay kumanta sa public places. Mayroon pong ebidensiya na kapag tayo ay kumakanta, mas maraming viral particles ang nailalabas sa ating katawan kung tayo ay maysakit,” saad ni Vergeire.
“Choir members are not exempted. We will be coordinating with the Catholic church para ma-enforce ang minimum public health standards ngayong mas madalas magsimba ang mga tao dahil sa Simbang gabi,” aniya pa.
Pinatutungkulan ni Vergeire ang siyam na magkakasunod na araw na mayroong Simbang Gabi ang mga Katoliko bilang paghahanda sa Araw ng Pasko.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA