Sinabi ni Senate President Francis Escudero malaki ang maitutulong ni Vice President Sara Duterte sa paglutas ng mga suliranin ng bansa, imbes na magturuan kung sino ang may pagkukulang at dapat sisihin.
Ito ay kasunod ng pagpuna ni Vice President Sara sa umanoy kakulangan ng atensyon ng mga opisyal at tanggapan ng pamahalaan sa mga isyung pangkalusugan, seguridad, imprastruktura at iba pa.
Dapat umanong gamitin ng pangalawang pangulo ang posisyon at resources nito upang maresolbahan ang mga nakikitang mali sa bansa.
Ayon pa kay Escudero na may karapatan ang pangalawang pangulo na punahin ang mga problema na nakikita nito, subalit ang pinagkaiba lamang ay may mga platforms din ito na gumawa sana ng pagbabago.
Tila pinasaringan rin ng pinuno ng Senado ang bise presidente sa pagtuligsa nito sa flood control projects, lalo pa at anim na taon umanong namuno sa bansa ang ama nito na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA