Nanatili at hindi pa rin inaalis ng China ang mahigit 200 nilang mga barko na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ayon sa National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS), inilipat lamang ang mga barko sa ibang islet na sakop ng Kalayaan Group Island (KIG) mula sa Julian Felipe Reef.
Giit ng NTF-WPS, ang naturang mga barko ay bahagi ng Chinese Maritime Militia (CMM) na may kahina-hinalang ginagawa sa kanilang “swarming” o pag-mamasa.
Base sa huling maritime patrol ng NTF-WPS noong Marso 29, 44 na CMM ang naka-ankla sa Julian Felipe reef, 115 ang nasa Chigua (Kennan) Reef, 45 ang nasa pag-asa (thitu) islands, at 50 ang nakakalat sa Panganiban (Mischief), Kagitingan (Fiery), at Zamora (Subi) Reefs, na bahagi ng Kalayaan Island Group.
Bukod dito, apat na People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels ang nasa Panganiban Reef.
Muling nanawagan ang NTF-WPS sa China, na alisin sa EEZ ng Pilipinas ang kanilang Chinese Maritime Militia dahil bukod sa paglabag sa mga karapatan ng Pilipinas, ang pag-masa ng maraming barko sa bahagi ng karagatan ay panganib sa nabigasyon at possibleng nakakasira sa kalikasan.
Siniguro ng NTF WPS po-protektahan ng gobyerno ang teritoryo ng bansa dahilan na dinagdagan ang mga maritime vessels mula sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para magpatrulya sa West Phl Sea.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatuloy ang kanilang pagpapatrulya sa lugar.
Una ng sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana na hindi nito hahayaan na masakop ng China ang teritoryo ng bansa gaya ng ginawa nila sa Scarborough Shoal.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE