December 27, 2024

CHINESE ROCKET DEBRIS BUMAGSAK SA INDIAN OCEAN

SUMADSAD sa Indian Ocean ang debris ng Chinese rockets na Long March-5b.

Kinumpirma ng Chinese space agency na malapit sa West Maldives ang nasabing pagbagsak ng nasabing debris.

Malaking bahagi rin ng rockets ang nasira na bago ito makapasok sa mundo.

Nangyari ang pagbagsak dakong 10:24 a.m. nitong Linggo sa Pilipinas.
Sinasabing nasa 18 tonelada ang bigat ng debris na siyang pinakamalaking bagay sa buong dekada na bumagsak sa mundo.

Magugunitang binantayan ng US ang nasabing pagbagsak ng debris dahil sa magdudulot ito ng malaking pinsala subalit ito ay minaliit ng China.

Ang tanging layon kasi ng Long March-5b vehicle ay para ilunsad ang unang module ng bagong space station ng China.