May 6, 2025

Chinese National Wanted for Illegal Online Gambling, Arestado ng BI sa Makati

MAKATI CITY, Pilipinas — Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 32-anyos na Chinese national na wanted sa Beijing dahil sa pagpapatakbo ng ilegal na online gambling operation.

Kinilala ang suspek na si Li Wen Jie, na nahuli noong Mayo 28 sa kanyang tahanan sa Gen. V. Lucban Street, Barangay Bangkal, Makati City, ng mga operatiba mula sa BI Fugitive Search Unit (FSU) sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy.

Ayon kay Sy, si Li ay naaresto matapos makatanggap ng impormasyon mula sa gobyerno ng Tsina hinggil sa kanyang mga krimen. Napag-alaman din na overstayed si Li sa Pilipinas ng halos dalawang taon, pumasok sa bansa noong Mayo 6, 2023, at hindi na umalis mula noon.

Si Li ay kasalukuyang nakakulong sa BI facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, habang hinihintay ang summary deportation proceedings. Kapag na-deport, siya ay isasama sa blacklist ng BI at ipagbabawal ang kanyang pagbabalik sa bansa.

Ayon kay Sy, si Li ay may arrest warrant mula sa Longmatan District Branch ng Municipal Public Security Bureau sa Luzhou, Sichuan Province, China, at sinasabing nagpapatakbo ng isang ilegal na gambling house gamit ang online app na “Qikaidesheng.” Pinaniniwalaang kumita siya ng higit sa 1.1 milyong yuan (o USD 154,000) mula sa mga komisyon ng kanyang mga ahente.

Patuloy ang BI sa pagsugpo ng mga dayuhang kriminal at pagpapalakas ng mga operasyon laban sa mga banyagang lumalabag sa mga batas ng Pilipinas. ARSENIO TAN)