NAGBIGAY-PUGAY ang mga opisyal ng Chinese Embassy sa Pilipinas sa dalawang tauhan ng Philippine National Police, kung saan isang pulis ang namatay habang isa ang nasugatan, matapos ang isinagawa nilang rescue mission noong Agosto 3 na nagresulta sa matagumpay na pagsagip sa dalawang dinukot na Chinese nationals.
Nagtungo ang Chinese diplomats sa Angeles, Pampanga at Teresa, Rizal upang personal na iabot ang donasyon mula sa Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. at representatives ng Chinese Filipinos, kasabay ng kanilang pagbibigay-pugay sa serbisyo ng nasabing mga pulis, at nagpaabot ng pakikiramay at pakikisimpatya sa kanilang pamilya.
Isang “friendly fire” ang ikinamatay ni Police S/Sgt. Nelson Santiago sa nanagyaring anti-kidnapping operation kamakailan lang, matapos humingi ng tulong ang Chinese Embassy sa PNP Anti-Kidnapping Group para sagipin ang mga Chinese kidnap victims.
Kinumpirma ng PNP sa isang press briefing sa Camp Crame sa Quezon City, ang aksidenteng pagkamatay ng nasabing pulis ay base sa resulta ng ballistics examination sa bala na narekober sa katawan ni Santiago.
Sa autopsy report na isinagawa ng Forensic Group, tinamaan si Santiago, tama ng bala sa dibdib ang naging sanhi ng kamatayan ni Santiago, partikular sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan at naapektuhan nito ang kanyang baga at aorta.
“He wound was fatal,” ayon kay Col. Jane Fajardo, PNP spokesperson.
Lumabas din sa forensic investigation, na ang bala mula sa isang Galil 5.56 assault rifle na ginamit ng bagitong pulis na unang tumama kay Chief M/Sgt. Eden Accad, sa kanyang torso bago tinamaan si Santiago.
“There were three of them who entered a dark area during the operation. A member of the entering team saw a gun pointed at them and incidentally, he pulled the trigger and the wounded police officer (Santiago) was the first one who was hit,” dagdag niya.
Nakaligtas si Accad habang idineklarang dead on arrival si Santiago sa Angeles University Foundation Medical Center.
Aminado naman ang pulis, na may ranggong patrolman,’ na akisdenteng nakabaril kina Santiago at Accad, ang kanyang pagkakamali at agad isinuko ang kanyang baril.
Isinailalim na siya sa inquest proceedings at kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homice at serious physical injury at nakakulong na ngayon sa AKG.
Ipinag-utos na rin ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na i-review ang police operational procedures matapos ang insidente. (ARSENIO TAN)
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?