MULING nagbigay ng donasyon ang grupo ng Chinese companies sa bansa para sa mga naapektuhan ng magnitude 7 na lindol noong Hulyo.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, umaabot sa P3 milyon na pinansiyal na tulong ang ipinagkaloob ng Chinese Enterprises Philippine Association (CEPA) para sa disaster relief at aid sa Ilocos Norte.
Ang cash aid ay para rin aniya sa livelihood projects at poverty reduction programs ng lalawigan na tinamaan ng malakas na lindol.
Ito na ang ikalawang batch ng donasyon ng CEPA para sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng lindol.
Kabuuang P6.18 milyon ang naipaabot na tulong ng Chinese companies.
Sinabi ni Ambassador Huang na hinihimok ang mga miyembro ng CEPA na hindi lamang umagapay sa ekonomiya ng Pilipinas kundi maging aktibo rin sa social responsibility efforts.
Umaasa ang diplomat na agad makabangon at makabalik sa kanilang normal na pamumuhay ang mga naapektuhan ng kalamidad.
Una rito, nagkaloob din ang Chinese Embassy sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P10 milyong halaga ng bigas at iba pang pagkain sa earthquake-affected areas.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna