MABILIS na kumalat ang haka-haka na nawawala ang bilyonaryong Chinese na si Jack Ma matapos mapaulat na dalawang buwan na itong hindi nagpapakita sa publiko.
Hindi rin nasilayan ang Alibaba founder sa final episode ng kanyang sariling talent show na ‘Africa’s Business Heroes.’
Paliwanag ng Alibaba spokesperson na hindi nakasama sa judging pandel si Ma dahil sa “schedule conflict,” ayon sa Financial Times.
Noong Oktubre 2020 ang huling tweet ng Chinese billionaire.
Ang diumano’y “pagkawala” ni Ma ay kasunod ng kontrobersyal na speech niya sa Shanghai noong Oktubre 24, 2020 kung saan tinuligsa niya ang regulasyon ng China sa financial system at inihalintulad ang banking rules nito sa “old people’s club”.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA