HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Caticlan International airport sa Boracay, Aklan ang isang Chinese national na nagtangkang sumibat ng bansa nang magpresente ng Philippine passport.
Ayon sa ipinadalang ulat kay BI Commissioner Norman Tansingco, nakilala ang Chinese national na si Zhou Jintao, 24. Agad siyang inaresto at itinurnover sa warden facility ng BI sa Bicturan, Taguig habang gumugulong na ang kanyang deportasyon.
Nagpakilala umano ito sa immigration officers sa pangalang Jansen Tan.
Ayon pa kay Tansingco, bukod sa pasaporte, may hawak din si Zhou na Philippine PWD ID, postal card, Tax Identification Number ID, National Bureau of Investigation clearance at birth certificate na nagsasaad na ipinanganak siya sa Sibulan, Santa Cruz, Davao Del Sur sa isang Filipinong ina at Chinese na ama.
Ngunit sa gitna ng inspeksyon, napansin ng immigration officer na hindi marunong magsalita ng Filipino o anumang lokal na wika. Nang isa ilalim pa sa pagtatangong, inamin niya na siya ay isang Chinese citizen. Nadiskubre rin sa kaniyang travel record sa BI database na dumating siya sa Pilipinas noong Hunyo 30, 2019. (JERRY S. TAN)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA