Muling naglaan ng oras si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para maghatid ng saya sa mga bata sa Asociacion de Damas de Filipinas, Inc. sa Paco, Manila.
Katuwang ang Huawei at RCBC, hindi lamang mga laruan para sa mga bata ang naipamahagi ni Xilian kundi maging ang pang-araw-araw nilang pangangailangan, tulad ng milk packs, sako-sakong bigas at TV na magagamit nila sa online study.
Hinandugan naman si Xilian ng isang maganda at masayang dance at song performance ng mga bata.
Nagpapasalamat din siya sa nakamamahang artwork na iginuhit ni Dwayne, isa sa mga bata sa nasabing settlement house.
“The surprise from these lovely children will always be treasured moments and gifts that will remind me of Christmas,” masayang sambit ni Xilian.
“Hope these children will grow healthy and become future ambassadors of cultural exchanges between our countries,” dagdag pa niya.
“Looking forward to visiting and meeting them again. Wishing the kids a very Merry Christmas, may our humble get-together make your holiday season more joyful and extra brighter!” pagatatapos pa nito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA