HINARANG at binangga ng mga barko at bangka ng China Coast Guard ang mga bangka ng Pilipinas na nagsasagawa ng medical evacuation sa West Philippine Sea, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Biyernes.
Sinabi ni PCG spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela sa isang pahayag na nagsagawa pa rin ng mga mapanganib na maniobra at sinadya pa ring bumangga ang Philippine Navy Rigid Hull Inflatable Boat sa kanila ng pakiusapan sa China Coast Guard sa pamamagitan ng radio at public address system tungkol sa misyon para sa sa medical evacuation.
Nangyari ang insidente noong May 19 nungit inilabas lamang ang video ngayong Biyernes.
Wala pa namang komemto o pahayag ang Chinese embassy hinggil dito.
Sa kabila ng mga aksyon ng China, sinabi ni Tarriela na matagumpay na nalampasan ng PCG at Philippine Navy ang mga dayuhang bangka at sasakyang pandagat at natapos ang medical evacuation ng maysakit na Pilipino sa Buliluyan Port.
“At 1515H on 19 May 2024, the sick AFP personnel was transported to the nearest hospital and received immediate medical attention,” saad ni Tarriela.
Tinawag niya ang “barbaric” at “hindi makataong pag-uugali” ng China pati na rin ang “sobrang deployment” nito ng dalawang sasakyang pandagat ng China Coast Guard 21551 at 21555, dalawang maliliit na bangka, at dalawang rubber boat sa panahon ng medical evacuation.
Sinabi ni Armed Forces chief General Romeo Brawner noong Martes na nabigo ang unang pagtatangkang ihatid ang maysakit na sundalo sa kanlurang lalawigan ng Palawan matapos silang harangin ng mga Intsik.
Kinabukasan, isa pang pagtatangka ang ginawa sa tulong ng Philippine Coast Guard at matagumpay na nailikas ang sundalo, ani Brawner.
Nauna nang iniulat ng Chinese state media na Xinhua News Agency na sinira ng Philippine Navy ang mga fishing nets na inilagay ng Chinese fisherfolk sa Ayungin (Second Thomas) Shoal. Idinagdag nito na ang Navy ay humila ng 100 metro ng lambat sa “illegal beach warship” na BRP Sierra Madre matapos umalis ang mangingisdang Tsino.
Sinabi naman ng AFP na ang bagong akisadyon ng Tsina na sinira ng Philippine Navy ang fishing nets ay Isa na namang halimbawa ng “malign influence operation.”
“It seeks to distract from the real issue at hand: their ongoing illegal, coercive, aggressive, and deceptive actions and activities in the West Philippine Sea,” pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Colonel Francel Margerath Padilla.
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO