
Muling naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China kaugnay ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Partikular na rito ang namataang malapit sa Pag-asa Island sa lalawigan ng Palawan.
Ayon sa ahensya, ang presensya, matagal na pananatili at maritime activities ng Chinese vessels ay malinaw na labag sa ating batas.
Giit ng DFA, ang Pag-asa Islands ay kilalang bahagi ng Pilipinas at may lokal na gobyerno pang umiiral dito.
Matatandaang una nang sinabi ng DFA na handa silang araw-araw na maghain ng protesta laban sa Beijing, hangga’t hindi tumatalima ang higanteng bansa sa mga panuntunan ng Pilipinas.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon