PORMAL nang ibinigay ng gobyerno ng China ngayong araw ang sari-saring kagamitang militar na nagkakahalaga ng P1 bilyon (Renminbi/RMB 130 milyon) sa Pilipinas.
Ang unang batch ng mga donasyon ay dumating sa Maynila noong Enero 16. Ang mga ito ay binubuo ng humigit-kumulang RMB 76 milyon o P615 milyon na halaga ng kagamitan.
Kabilang dito ang mga rescue at relief equipment, drone system, detector, water purification vehicle, ambulance, firetruck, x-ray machine, explosive ordnance disposal robot, bomb disposal suit, transport vehicle, backhoe, dump truck, forklift at earthmover.
Pormal na itinurnover ang pangalawang batch ng gratis equipment na nagkakahalaga ng RMB 54 o humigit-kumulang P437 milyon sa Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo.
Dinaluhan ang handover ceremony nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief Gen. Andres Centino at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
“During the state visit to the Philippines in 2018, President Xi Jinping promised that China is committed to do its modest part to help and support the Philippines’ counterterrorism campaign and to provide the Philippines with 140 million renminbi military assistance gratis,” saad ni Huang sa kanyang talumpati.
Lalong lumalalim ang military-to-military cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China sa pamamagitan ng military education at training cooperation, dagdag ng Chinese official.
Nag-donate ang China noong nakaraang taon ng 4 milyon na Sinovac COVID-19 vaccine doses upang palakasin ang vaccination rollout ng bansa.
“This has not only promoted the sound development of our overall relations, but also contributed to peace and development of this region,” saad niya.
“China and the Philippines have always helped and supported each other in trying times. Since the outbreak of the COVID-19 pandemic, China has extended support to the PH to the best way possible by providing medical teams, large amounts of medical supplies and supply more than 57 million doses of Chinese vaccines,” dagdag niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY