Tumaas ng 73 percent month-on-month nitong Mayo ang automobile exports ng China, dahilan para maabot ang record high para sa 2022.
Sa loob ng limang buwan ngayong taon, napag-export ang mga automobile firms ng China ng 969,000 na sasakyan, tumaas ng 44.7 percent para sa parehong period ng taon.
Noong 2021, dumoble ang nai-export na sasakyan ng China sa rekord na 2.02 million, na lumampas sa 2-million-mark sa unang pagkakataon.
Kaya naman malapit nang maging top auto exporter ang China sa buong mundo.
Binigyang diin ng maunlad na auto industry ang resilient at complete automotive industry chain ng China, na nagpapatatag naman sa global supply chains at international na merkado sa gitna ng pandemya.
Ang auto industry ng Pilipinas ay ika-9 sa pinakamalaki sa Asia Pacific region na may extensive market at promising prospects, na nagbigay din ng maraming oportunidad para sa future cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Ipagpapatuloy ng China na gagawa ng todong pagsisikap na patatagin ang mahusay na pag-unlad ng auto industry ng bansa, isulong ang pagbuo sa NEVs at intelligent internet-connected vehicles at iangat ang katatagan at competitiveness ng industrial chain.
Marami ang umaasa na makakamit ng Philippine-China cooperation ang magandang resulta sa auto industry.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA