November 25, 2024

CHINA MAGDADAGDAG NG P80-M TULONG SA PILIPINAS (Para sa mga sinalanta ng Bagyong Odette)

Inanunsiyo ni State Councilor and Foreign Minister of China H.E Wang Yi nagdesisyon ang Chinese Government namagbigay ng isa pang 100 million RMB yuan (P80 milyon) na tulong sa Pilipinas.

Ito’y upang suportahan ang reconstruction efforts ng Pilipinas sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Sa kanyang talumpati sa 5th Manila Forum for Philippines-China Relations, binigyang diin ni State Councilor Wang Yi na magka

Nagbigay ng pangunahing talumpati si State Councilor Wang Yi sa 5th Manila Forum for Philippines-China Relations.

“The China and the Philippines are neighbors facing each other across the sea and partners through thick and thin,” ayon sa talumpati ni State Councilor Wang Yi sa 5th Manila Forum for Philippines-China Relations.

Nang tumama ang Bagyong Odette sa Pilipinas, kaagad nagpahayag ng simpatiya at suporta si President Xi Jinping, at kabilang ang Chinese government sa mga unang nagbigay ng emergency assistance.

Ayon naman kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xillian, malakas at matatag ang mamamayang Filipino.

Naniniwala aniya sila nasa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Philippine government ay muling maitatayo ang mga bahay ng mga sinalanta ng bagyo sa madaling panahon.

Umaasa rin sila na ang makatutulong ang nasabing donasyon muling makabawi ang ating mga kababayan.