November 5, 2024

CHINA MABABALDADO KAPAG NAPAALIS SA WPS

Naniniwala si Dating Senate President Juan Ponce Enrile na malaki ang magiging epekto sa China sa sandaling mapaalis sila sa sinasakop na teritoryo ng Pilipinas, ang West Philippines Sea o WPS.

Sa Balitaan sa Maynila, inihayag ng Dating Senate President na malaki ang suliranin ng China na ngayon ay nasa punto na ng survival.

Binanggit ni Enrile na ang WPS ang isa sa pinanggagalingan ng ikinabubuhay nito.

Kapag aniya napaalis ang China sa WPS ay tiyak na titigil ang mga industriya nito.

Gayunman, nanindigan ang Dating Senate President na hindi kaya ng Pilipinas na labanan ang China dahil sa kawalan ng puwersa na ipambabala sa China.

Kinakatigan din ni Enrile ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat makipag-away ang Pilipinas sa China dahil sa walang kakayanan ng mga armas na panggiyera.

Naniniwala naman si Enrile na bilang abogado  na matibay na batayan ang mga hawak na dokumento ni Dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na nagpapatibay sa legal claims ng Pilipinas hinggil sa pag-aaring teritoryo ng mga Filipino na West Philippines Sea.