November 19, 2024

CHINA ITINANGGING PINOPONDOHAN ‘PRO-CHINA TROLLS’ SA ‘PINAS

Itinanggi ng China ang paratang ni Sen. JV Estrada na pinopondohan ng Beijing ang destabilization efforts sa Pilipinas gamit ang online trolls.

Ayon sa Chinese embassy,  hindi ito totoo ang naturang alegasyon at walang basehan.

Sinabi rin nito,  na dapat nang itigil ng mga mambabatas sa Pilipinas na huwag nang palalain ang maritime tension sa pagitan ng China at Pilipinas.

“Such irresponsible remarks heightened tensions over the South China Sea, poisoned the atmosphere of China-Philippines relations and undermined the diplomatic efforts to manage our differences through dialogue and consultation,” ayon sa naturang embahada.

“China has always advocated and remains committed to properly managing maritime differences through dialogue and consultation. China will keep the door of dialogue and contact open,” dagdag pa nito.

Ayon kay Ejercito, naging biktima siya ng pag-atake sa social media ng umano’y trolls dahil sa kanyang paninindigan sa pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea.

Idinagdag niya na target din umano ng destabilization efforts online kamakailan lang ay sina House Speaker Martin Romualdez, Philippine Coast Guard’s Commodore Jay Tarriela, Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., at Senate President Migz Zubiri.

Pero ayon sa China, na dapat mas tutukan ng mga mambabatas ang interes ng  mga Filipino at relasyon ng China at Pilipinas, imbes na gumawa ng iresponsableng akusasyon laban sa China.

“We also hope that the Philippine government listens to the voice of reason, acts upon the call of the two peoples, works with China to earnestly honor the consensus of the two heads-of-state on properly handling disputes through dialogue and consultation so as to ensure sound growth of China-Philippines ties and jointly safeguard peace and stability in the South China Sea,” dagdag pa nito.