November 23, 2024

CHINA INUPAKAN NI MARCOS SA ASIA’S TOP DEFENSE FORUM

GINAMIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang high-profile speech sa defense summit sa Singapore upang muling batikusin ang China.

Ayon sa Pangulo, malayo sa katotohanan ang hangarin na mapanatili ang kapayapaan sa South China Sea dahil sa aksyon ng makapangyarihang bansa.

 “Illegal, coercive, aggressive, and deceptive actions continue to violate our sovereignty, sovereign rights, and jurisdictions,” ani Marcos sa Shangri-La Dialogue.

“Attempts to apply domestic laws and [regulations] beyond one’s territory and jurisdiction violate international law, exacerbate tensions, and undermine regional peace and security,” dagdag niya.

Maliwanag na ang tinutukoy niya ang bagong rules ng China kabilang ang pagkulong sa mga dayuhan na magtre-trespassing, isang polisiya na labis na magpapalala ng tensiyon sa West Philippine Sea, na inaangking ng  Beijing.

Nanawagan si Marcos sa mga bansa Indo-Pacific region na ibasura ang violation ng international rules-based orders sa South China Sea, habang nangangakong resolbahin ang mga isyu sa mahahalagang waterway, sa pamamagitan ng diyalogo at diplomasya.

“We will continue to work with ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) and China towards an effective and substantive code of conduct, one that is firmly moored in UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea),” aniya.

Pumabor sa Pilipinas ang landmark 2016 arbitral ruling at ibinasura expansive claims ng China sa South China Sea, subalit hindi ito kinilala ng China.

Sa mga nakalipas na taon, naging saksi ang West Philippine Sea sa panghaharas at pananakot ng China, partikular na ang paggamit ng water cannon dahilan para masira ang mga vessels ng Pilipinas at ikasugat ng mga tropa.

“The lines that we draw on our waters are not derived from just our imagination, but from international law. We have on our side the 1982 UNCLOS and the binding 2016 Arbitral Award, which affirm what is ours by legal right,” saad ni Marcos.

Si Marcos ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na naghatid ng kanyang keynote speech sa Shangri-La Dialogue, isang taunang event na dinadaluhan ng security experts at defense officials mula sa iba’t ibang bansa, kabilang ang US at China.