December 26, 2024

CHINA ENVOY NAKIISA SA SAMAL-DAVAO BRIDGE GROUNDBREAKING

Isang karangalan para kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na makasama sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Vice President Sara Duterte at mga senior officials ng Philippine government sa ground breaking ceremony ng Samal Island-Davao City Connector Project.

“The Samal Island-Davao City Bridge is a century dream of the people here. It is also a flagship project of our G-to-G cooperation. It honors the strong bond of the practical cooperation and close friendship between China and the Philippines,” ayon kay Xilian.

Sa investment na aabot sa $400 milyon, ang pagpapatayo ng nasabing tulay ay mabibigay ng libo-libong trabaho sa mga Filipino.

Kapag nakumpleto na ang bridge project na ito, inaasahan na mapapadali na ang travel time, magpapasigla ang paglago ng ekonomiya ng Samal Island at mapapahusay ang sustainable development ng Davao City at  mga kalapit na rehiyon.

“Wish the project a on-time and quality completion! Surely it will serve as a new passage to a better livelihood of the local people, a new landmark of the region of Davao, and a new milestone of the China-Philippines friendship!” saad ni Xilian.