ALINSUNOD sa patakaran ng Inter-Agency Task Force on Managing Emerging Infectious Diseases (IATF), itinalaga ng pamahalaan ng Quezon City ang lugar at pasyalan sa lungsod bilang ‘Child Friendly Safe Zones’ kung saan ang mga menor dedad na 5 taon pataas ay maaring sumali sa outdoor activities, non-contact sports at ehersisyo.
Sa kanyang Memorandum, kabilang sa itinalaga ni Mayor Joy Belmonte ang Quezon Memorial Circle at Ninoy Aquino Parks and Wildlife at iba pang lugar bilang Child-Friendly Safe Zones.
Ginawa aniya ito ng lungsod kasunod ng panawagan ng UNICEF Philippines na paglaruin sa labas ang mga bata upang pangalagaan ang kanilang physical at mental well-being lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“After months of being confined inside their houses, we saw the need to give minors a chance to go out and get some fresh air in outdoor areas that are deemed safe,” said Belmonte.
Kasama din sa memorandum ang ilan pang park na pinangangasiwaan ng Quezon City Parks Development Administration Department (PDAD) at mga palaruan sa loob ng mga residential subdivision.
Gayunman, kailangang samahan ng isang adult guardian na fully vaccinated na ang bata na pupunta sa mga nasabing lugar.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna