January 23, 2025

‘CHIKITING BAKUNATION’ SA RIZAL PINANGUNAHAN NG DOH

Pinangunahan ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok ng bakuna sa ilang bata at matanda sa Antipolo, Rizal.

Bahagi ang naturang aktibidad ng “Chikiting Bakunation” ng DOH upang protektahan ang mga batang Filipino laban sa polio, measles, hepatitis b, pneumonia, at iba pang preventable diseases sa gitna ng pandemya at sa pagdiriwang ng World Immunization Week.

Ayon sa DOH, nasa isang milyong mga bagong panganak na sanggol hanggang isang taong gulang ang target na mabakunahan sa isinasagawang malawakang pagbabakuna tuwing huling linggo ng buwan ng Mayo hanggang Hunyo.

Kasama rin sa mga target na mabakunahan ang mahigit kalahating milyong batang may edad na labing tatlong buwan hanggang dalawang taon.

Bukod sa mga sanggol at bata, nakatanggap din ng mga bakuna ang mga buntis at mga senior citizen. Available din ang COVID-19 vaccinations sa naturang lugar.

Umabot sa 200 indibidwal mula sa piling lugar sa Rizal ang nabakunahan.