Binansagan siyang ‘kuya’ sa Chooks-to-go Pilipinas 3X3’s Calambubble noong nakaraang Oktubre. Isang halimbawa sa youth-laden league si Chico Lanete, 41-anyos.
Bilang role model, pinarangalan ng Games and Amusements Board si Lanete. Ginawaran siya bilang ‘Professional Basketball Sportsmanship Award’.
“Being professional players also has responsibilities. This includes being a good example to the amateurs and to the youth,” ani GAB Chairman Baham Mitra.
“Chico and Erven [Silverie] exemplified that during their respective league’s bubbles.”
“Special ito sa akin kasi matagal na rin ako dito sa basketball.”
“Nakita ko na ang lahat kaya kailangan kong maging example para sa mga susunod natin na players,” saad ng 14-year pro na si Lanete.
Si Lanete ay naglaro sa Butuan Uling Roasters noong 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup powered by TM.
Samantalang si Silverie, isang 5-on-5 pro sa National Basketball League, ay naglaro sa La Union PAOwer.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na