
Lalaruin ng Chicago Bulls at Detroir Pistons ang isang regular season game sa Paris sa Enero 2023. Ito ay inihayag mismo ng pamunuan ng NBA. Ayon pa sa liga, bubuslo ang 2 Eastern Conference team sa Jan. 19 sa Accor Arena sa Paris, France.
Ang larong iyon ay first NBA game sa Europa sapol noong 2020. Pang-12 naman itong idaraos sa France sapol nang gawin ito noong 1991. Pangatlong beses na rin ng Bulls (6-time NBA champion) na maglalaro sa Paris. Kabilang na ang two exhibition game contests noong 1997.
Unang beses naman ng 3-time NBA champion (Pistons) na maglalaro sa France capital.
More Stories
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt