Inamin ni Human Rights lawyer Chel Diokno na tatakbo siya sa 2022 elections.
“Given all the factors, yes I will be running in the 2022 elections,” saad ni Diokno sa ANC sa isang panayam.
“It’s very difficult at this stage to make a final absolute decision. But I think it’s so important that we have people who can be the voice of our ordinary Filipinos and who can be the voice of our youth,” dagdag pa niya.
Hindi naman nito binanggit kung anong posisyon ang tatakbuhin niya sa susunod na eleksyon.
Isa si Diokno sa mga nominado ng 1Samabayan opposition coalition para sa pagka-presidente at vice president, pero sinabi niya na hindi niya hanggad ang mga nasabing posisyon.
Noong 2019, tumakbo siya bilang senador sa ilalim ng Otso Diretso pero nabigo itong makapasok sa Top 12.
Ayon sa human right defender, nais niyang itulak ang mga concerns ng mga kabataan at ordinaryong Filipino kaugnay sa iba’t ibang isyu, kaya kailangan niyang ng isang malaking plataproma para magawa ito.
“If you’re talking about fixing up our justice system, it’s not gonna get fixed unless people in power see the problem and do something about it,” saad niya. “I’ve been a lawyer for three decades and I’ve seen it first hand. I know how we should fix our system,” dagdag pa niya.
Suportado niya rin ang posibleng pagtakbo sa pagkapresidente ni Vice President Leno Robredo, dahil “higit na kwalipikado” at “higit na may karanasan” na patakbuhin ang bansa.
Bagama’t hindi nakasalalay ang kanyang kandidatura sa mga plano ni Robredo sa taong 2022, dagdag niya.
Si Diokno ay chairman ng Free Legal Assistance Group at founding dean ng De La Salle University College of Law.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE