NAMAHAGI ang Commission on Higher Education (CHED) Ilocos Region ng P4.4 milyon na cash grant sa mga mag-aaral ng Urdaneta City (UCU) sa SM City Urdaneta Central ngayong araw.
Nasa 638 benepisaryo ng Tertiary Education Subsidy Program at Tulong Dunong Program sa ilalim ng Unified Student Financial Assistance System (Unifast), ang nakatanggap ng P7,500 hanggang P10,000 bawat isa.
Sinusuportahan ng Tertiary Education Subsidy Program ang buo o partial cost ng edukasyon ng mga prayoridad na estudyante sa state universities and colleges (SUCs), CHED-recognized Local Universities and Colleges (LUCs) at pribadong higher education institutions (HEIs).
Ang mga kwalipikadong estudyante ay ang mga nasa most updated na indigents list ng gobyerno para sa lahat ng SUCs, LUCs, private HEIs, places with no SUC o LUC (PNSL) at iba pa.
Habang ang Tulogn Dunong ay isang financial assistance sa mga kwalipikado at deserving na estudyante na nagpupursige na makakuha ng college degree. Ang mga benepisyaryo ay bibigyan ng P7,500 kada semester.
Kailangan ang mga benepisyaryo ay naka-enroll sa anumang first undergraduate degree sa SUCs, CHED-recognized LUCs, and CHED-registered HEIs.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA