December 25, 2024

CHED, DEPED PINAPURIHAN SA PINATUPAD NA FACE-TO-FACE CLASSES

SUPORTADO ni dating National Task Force COVID-19 Chief Implemented at Vaccine czar Carlito Galvez Jr ang pagpapatupad ng face-to-tace classes ng Department of Education o DepEd at ng Commission on Higher Education o CHED.

Sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Galvez na malaki ang maitutulong ng face-to-face classes sa mental wellness ng mga kabataan lalo na at nagdusa na  sila sa loob ng dalawang taon ng pandemya.

Pinuri rin ni Secretary Galvez ang political will ng mga nasabing ahensiya ng pamahalaan na ipatupad ang face-to-face classes sa kabila ng banta ng COVID-19.

Sabi pa ng kalihim, makakaapekto rin ang pagbabalik ng face-to-face sa economic mobility ng bansa at makakatulong sa mga negosyo sa education sector.

Sa November 2 2022, ay ipapatupad na ng DepEd ang mandatory face-to-face classes habang ipinag-utos na rin ng CHED ang in-person classes para sa mga higher education institutions.