December 25, 2024

CHED DAPAT NANG BUWAGIN – PAO

BINUWELTAHAN ng Public Attorneys Office  ang  Commission on Higher Education dahil sa pinaiiral na discriminasyob at paghihiwalay sa hanay ng mga estudyante sa kolehiyo at unibersidad na nabakunahan at hindi nabakunahan laban sa COVID-19.

Sa media briefing ni PAO Chief Atty Persida Rueda-Acosta at ni forensics chief Erwin Erfe, hiniling sa pamahalaan na buwagin na ang CHED lalo na at labag sa Konstitusyon ang Memorandum Order No. 01 ni  CHED Chairperson Prospero de Vera III.

Tinukoy ni PAO Chief Acosta na maliwanag na paglabag aa karapatan sa edukasyon at kontra rin sa itinatakda ng Section 12 ng Republic Act No.. 11525” ang naturang memorandum.

Salig sa naturang probisyon, hindi rekisito ang  COVID-19 vaccination cards na karagdagang requirement upang makapasok sa kolehiyo ang isang estudyante, makapagtrabaho ang isang indibiduwal o sinumang may transaksiyon sa pamahalaan.

Iginiit ng PAO Chief na dapat ay sundin ni De Vera  si Education Secretary at Vice President Sara Duterte na nag-atas na payagang makapasok sa kolehiyo ang mga estudyanteng nabakunahan o hindi kontra covid 19 at makapagpartisipa sa face-to-face class at magsuot lamang facemask bilang health protocol.

Umapela rin si Dr. Erfe na buwagin na ang CHED  at tanggalin bilang dibisyon ng Department of Education.

Nanawagan din sa Commission on Human Rights si Dr. Erfe na tingnan ang mga paglabag ng CHED sa karapatan ng mga estudyante dahil sa pagiging discriminatory. Kinuwestiyon din ni Dr. Erfe ang posisyon  De Vera na ang memoranda ay salig sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases lalo na aniya at wala ng IATF dahil sa pagiging coterminous ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.