Inaabangan ngayon ng mga netizens ang birthday blowout ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis Chavit Singson ngayong Hunyo 21.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Singson ang kanyang planong mamigay ng 24 na pares ng Air Jordan na maituturing na isa sa mga paborito niyang sapatos at 1-M piso.
Ayon kay Singson ay hahatiin niya ang isang milyong piso para sa 200 tao upang mas madami ang makatanggap ng papremyo sa kanya.
“Maraming salamat sa lahat ng bumati at para may dagdag sa ating gagawin mamayang gabi hindi lang 24 na Air Jordan ang ipamimigay natin, meron din isang milyon,” ani Singson.
“Pero hahati-hatiin natin yan sa tigli-limang libo at matapos niyan ay marami pa tayong idadagdag,” dagdag niya pa.
Nag-umpisa ang live ni Singson ngayong gabi 7:30 PM.
Inulan naman ng pagbati sa social media ang beteranong politiko. Matatandaan na hindi na tumakbo pa ngayong halalan si Singson matapos niyang mapag-isa ang kanyang mga kamag-anak.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA