
Ibinigay ng Charlotte Hornets ang ikalawang pagkatalo ng Golden State Warriors ngayong season. Pinamaga ng lason ng Hornets ang GSW sa iskor na 106-102. Naging malaking rason sa panalo ng Charlotte ang pagpigil sa mainit na pukol ng Warriors.
Bumida sa panalo si Miles Bridges na bumira ng 22 points. Kasama na rito ang 8 rebounds at 3 assists. Tumulong naman si LaMelo Ball na nagtala ng 21 points, 7 boards at 5 assists. Si Terry Rozier naman ay kumana ng 20 points at 2 blocks.
Sa panig naman ng Golden State, gumawa si Andrew Wiggins ng 28 points at 6 boards. Si Stephen Curry naman ay bumuslo ng 24 points, 10 assists at 6 boards.
More Stories
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY