December 24, 2024

CHAIRMAN/GOV. RAFAEL AGCAOILI BAGONG HONOREE AT KAPAMILYA NG NCST

BAGONG kapamilya na ng National College of Science & Technology (NCST) si Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. (GIBFI) Chairman at Central Luzon Region (CLR 45) Governor Rafael Agcaoili na pormal na dineklara kabahagi ng 25th Commencement Exercise na idinaos sa main plenary hall ng Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ang nombradong humanitarian champion ng United Nations at awardee ng iba’t-ibang international awards giving body na si Agcaoil ay isa sa panauhing pandangal at professor honoree ng naturang graduation rites ng NCST tampok na guest speaker si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime  ‘Jimmy’ Jimenez Bautista at iba pang dignitaries.

Ang mga idinadaos na medical missions at feeding program nationwide, job creation at ang higanteng proyektong North Cebu Economic Zone (NCEZ) sa Medellin ang naging barometro ng prestihiyosong pagkilala sa kanya ng NCST family na magsisilbing inspirasyon sa buong nasyon.

“Isang napakalaking karangalan ang gawad sa inyong lingkod ng NCST family. Ang ganitong pagkilala ‘di ko man hinahangad ay nagiging inspirasyon at naglapataas ng masidhing adrenaline na makapaglingkod pa sa ating kababayan partikular sa mga nasa laylayan ng lipunan na walang hangad na kapalit ng anupaman,” wika ni Agcaoili.

“Saludo tayo sa pamunuan ng NCST sa kanilang pagkilala sa inyong lingkod at congratulations sa libu- libong nagtapos ng kanilang kurso sa Dasmarinas City-based NCST na ‘ transforming learners of today to nation builders of tomorrow,” ani pa Agcaoili.

Ang CLR45 ay nasa umbrella ng The Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles, Inc. (DANNY SIMON)