INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Parañaque at Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang nationwide Cervical Cancer Screening Campaign ngayong araw.
Ayon kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez, isinagawa ang programa sa Golden Ballroom sa Okada, Manila. Nilahukan ito nina Atty. Ding Soriano, chief of staff ni Congressman Edwin Olivarez, mga opisyal ng Okada Manila; at mga opisyal ng DOH sa pangunguna ni Dr. Rio Magpantay.
Ayon kay Olivarez, ang naturang paglulunsad ay bahagi ng pagdiriwang ng Cervical Cancer Awareness Month ngayong Mayo na naglalayong hikayatin ang mga kababaihan na sumailalim sa cervical screening para sa kanilang kalusugan.
Aniya, layunin ng inisyatiba na pataasin ang kaalaman ng mg kababaihan tungkol sa cervical cancer at kung paano ito maiiwasan.
Kabilang sa inaalok na mga serbisyo sa naturang paglulunsad ng nasabing kampanya ay ang human papillomavirus (HPV) tests at vaccination, non-communicable diseases risk assessment, PhilHealth profiling, dispensing of medicines at family planning services.
Ayon pa sa alkalde, ang paglulunsad ng cervical cancer screening sa workplace ng national government ay lubos na naaayon sa dedikasyon ng city government na gawing mas accessible sa mga residente ang de-kalidad na healthcare.
Sinabi rin ni Olivarez, na patuloy na magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng iba’t ibang programa katuwang ang iba’t ibang organisasyon at stakeholders upang maihatid ang mahahalagang serbisyo na kailangan ng bawat residente.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA