November 23, 2024

CEMETERY PASS SA MGA DADALAW SA SEMENTERYO SA NAVOTAS, IPAPATUPAD

Inanunsyo ng Pamahalaang Lokal ng Navotas na pansamantalang isasara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod simula October 29 hanggang November 2, 2021.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, layun nito na maiwasang dumagsa at magsisikan ang mga bibisita sa mga puntod, hindi masunod ang 1-2 metrong physical distancing at ma-expose sila sa Covid-19 virus.

Kung nais aniya gunitain ang undas ay gawin ito bago o pagkatapos ng nabanggit na mga petsa at kumuha ng cemetery pass tatlong araw bago bumisita sa puntod.

Para makakuha nito, mag TEXT JRT ng pangalan, address, edad, pangalan ng sementeryo na pupuntahan, oras at petsa kung saan may tatlong time slot ang pagbisita 7am-10am, 11am-2pm at 3pm-6pm.

Hintayin ang reply ng TEXT JRT para sa cemetery pass kung saan magagamit lamang ito ng tatlong tao alinsunod sa schedule na nakalagay at ipakita lamang ang pass at valid ID sa mga nakabantay sa sementeryo.

Paalala ng pamahalaang lungsod, iwasang madala ng pagkain o inuming nakalalasing sa sementeryo, bawal din magdala ng anong uri ng patalim at mga bagay na nakakasakit, magsugal, lumikha ng malakas na ingay, magsuot ng face mask at siguraduhing may 1-2 metrong distansya mula sa mga kasama.

Hindi pa rin pinapayagang lumabas para pumunta sa sementeryo ang wala pang 18-anyos at mga senior citizen alinsunod sa polisa ng IATF para sa kanilang kaligtasan.