Binuhat ni Jayson Tatum ang Boston Celtics sa pagsilat sa Brooklyn Nets sa home court nito. Pinalo ng Green young guns ang Nets, 109-103 sa Game 3 ng NBA playoffs East Round 1.
Bumanat si Tatum ng 39 points, 6 assists at 6 steals. Nag-ambag naman si Jaylen Brown ng 23 points at 5 assists. Nagbuslo naman para sa Brooklyn si Kevin Durant ng 16 points at 8 boards. Habang si Kyrie Irving naman ay bumanat din ng 16 points. Naiposte rin ng Boston ang comportable 3-0 lead sa series.
Sa iba pang laro, nilapa ng Minnesota Timberwolves ang Memphis Grizzlies sa Game 4 ng West Round 1, 119-118. Bumistay si Karl-Anthony Towns ng double-double, 33 points at 14 boards.
Lumagare naman si Anthony Edwards ng 24 points at 17 points naman ang kay Patrick Beverly. Nasayang naman ang ginawang 33 points ni Desmond Bane sa Memphis. Kaunti naman produksyon ni Jah Morant na mayroong 11 points. Kapwa tabla na sa 2-2 sa series ang dalawang team.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!